Quezon City Government, inoobliga na ang mga barangay na maglagay ng sarili nilang quarantine isolation facilities

Nais ng Quezon City Government na tumulong na rin ang barangay upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Inobliga na rin sila ngayon na magtayo ng sarili nilang quarantine isolation facilities .

Sa isang memorandum, binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pasilidad sa barangay sa paglaban sa nakakamatay na virus.


Malaki aniya ang maitutulong nito para mapaluwag ang mga hospital beds para sa moderate, critical o severe cases.

Ayon pa sa alkalde, lahat ng confirmed COVID-19 patients na asymptomatic o mild symptoms ay tatanggapin sa isolation facility pati na ang confirmed cases na dati nang na-admit sa hospital at kinukumpleto na lamang ang minimum na 14-day quarantine.

Pero nilinaw ni Belmonte na hindi maaaring tanggapin ang mga pasyenteng may
moderate o severe symptoms, sa halip ay kailangang ipadala ang mga ito sa hospital.

May ilang barangay na sa lungsod ang nakapagtayo na ng kanilang sariling isolation centers bago pa man naglabas ng bagong guidelines ang pamahalaang lokal.

Facebook Comments