Quezon City government, magbibigay ng ₱10 milyong financial assistance para sa rehabilitasyon sa Cebu City

Quezon City government, magbibigay ng ₱10 milyong financial assistance para sa rehabilitasyon sa Cebu City

Magbibigay ng ₱10 milyong halaga ng financial assistance ang Quezon City government para sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu City.

Ito ang opisyal na pahayag ng lungsod kung saan ilalaan ang tig-iisang milyon sa siyam na bayan at isang lungsod sa nasabing lugar.

Bukod dito, nagpadala na rin ang lungsod ng mga engineers at technical crew mula sa Disaster Risk Reduction and Management Council upang tumulong sa damage assessment at auditing.

Kasama na ring ipinadala sa Cebu ang medical service at psychosocial teams na tutulong naman sa mga nangangailangan ng medikal na atensyon.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pakikiramay ang Quezon City sa mga naapektuhan ng nasabing lindol.

Facebook Comments