Pinayuhan na ang sinumang indibidwal o grupo na planong mag-organisa ng mga pagtitipon at kilos-protesta sa Quezon City na kumuha muna ng permit sa lokal na pamahalaan.
Sa inilabas na guidelines ng Local Government Unit (LGU), dapat tiyakin ng mga rally organizer na lahat ng pagtitipon ay makakasunod sa health measures at social distancing protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Obligado na mag-suot ng face mask ang mga participant upang maiwasan ang pagkahawa-hawa at pagkalat ng COVID-19.
Responsibilidad din ng rally leaders at organizers na gawing tahimik at ligtas ang mga kilos-protesta.
Paalala ng lokal na pamahalaan na hindi maaaring isama ang mga indibidwal na nakakaranas ng lagnat, ubo, nahihirapan sa paghinga at iba pang sintomas ng COVID-19.
Kapag nasa lugar ng community quarantine ang mga pagtitipon, hindi rin kailangang isama ang mga indibidwal na may edad 21 pababa o 60 taong gulang pataas.
Sa panig naman ng pulisya, kailangang nakasuot ang mga ito ng complete uniform at walang dalang armas maliban sa lethal devices at protective shields.