Quezon City Government, naniniwalang malaki ang maiaambag na mga bagong apparatus na kanilang ipinamimigay sa mga ospital bilang proteksyon ng mga healthcare worker

Naniniwala ang pamunuan ng Quezon City Government na malaki ang pakinabang sa mga health worker ang mga bagong apparatus na kanilang ipinamimigay sa mga ospital bilang protekston na rin sa mga health workers.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang binili ng Local Government Unit (LGU) na self-contained air purifier apparatus o SCAPA sets ay pakikinabangan ng husto ng mga healthcare worker na nagtatrabaho sa mga ospital sa QC.

Paliwanag ng alkalde, tig-100 sets ng SCAPA ang ipinagkaloob ng QC government sa Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital habang 200 sets naman sa Quezon City General Hospital kung saan ang bawat set ay may full face mask at air fed respirator na may kasamang charger at lapel.


Giit pa ng alkalde na sa pamamagitan ng mga bagong apparatus, mas magkakaroon ng sapat na proteksyon ang healthcare workers na nasa mga COVID-19 wards, COVID-19 ICU at emergency rooms kung saan ginawa umano ito ng city government bilang suporta na rin sa COVID-19 response ng mga ospital lalo pa’t marami na ring mga healthcare worker ang tinatamaan ng Omicron variant ng COVID-19.

Facebook Comments