Quezon City Government, pinalakas pa ang kakayahan ng contact tracing para sa mga kaso ng COVID-19

Inihayag ng Quezon City Government na mas lalawak pa ang contact tracing kasunod ng deployment ng karagdagang higit 1,300 tracers ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lungsod.

Ayon sa QC-LGU, sa ngayon umano ay mayroon nang higit sa 2,600 contact tracers ang lungsod na ikakalat sa mga barangay para kumuha ng mga datos ng close contacts at magsasagawa ng assessment sa COVID-19 cases.

Naniniwala si QC Mayor Joy Belmonte na ang contact tracing ang pinakasusi para mapigilan ang pagkalat pa ng virus sa mga komunidad.


Paliwanag ng alkalde na balewala aniya ang lockdown kung hindi mabilis at maagap ang pagkilos ng contact tracing army.

Tiniyak pa ni Belmonte sa contact tracers na wala silang dapat ikatakot sa pagganap ng kanilang tungkulin dahil protektado sila ng batas.

Facebook Comments