Quezon City, gumawa ng kasaysayan matapos kilalanin ng Guinness World Record ang kanilang glass tube installation sa isang gusali

Nasa Guinness World Record na ang “The Mangrove,” na centerpiece sa lobby ng Solaire Resort North.

Kinilala ito ng Guinness bilang pinakamalaking glass tube installation sa buong mundo.

Ang natatanging obra ay may taas na 25.396 meters at gawa ng iskultor na si Nikolas Weinstein.

Ginamit sa obra ang mga materyal na glass, stainless steel, cable, silicone at acrylic.

Inabot ng 4 na taon ang pagbuo ng ideya hanggang konstruksyon ng installation.

Facebook Comments