Kinumpirma ni Quezon City Health Department-Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na naisumite na nila sa DOH ang kanilang Event-Based Surveillance and Response (ESR) report patungkol sa ginawang late reporting ng Kamara sa mga confirmed COVID-19 cases nito gayundin ang resulta ng kanilang isinagawang contact tracing.
Gayunpaman, ilang beses na tinangkang hingan ng panig ang DOH ukol sa kanilang aksyon sa clustering of COVID cases o biglaang pagtaas ng kaso sa Kamara pero pawang tumanggi itong magbigay ng kanilang komento.
Una nang ipinanawagan ng mga kawani ng Kamara na ipasara na muna ang tanggapan dahil sa pagdami ng kaso ng COVID pero bigo umano ang DOH na aksyunan ito.
Samantala, kinastigo naman ni dating Law Dean Atty Rico Quicho ang hindi pagsunud sa quarantine protocol nina Speaker Lord Allan Velasco Velasco, Deputy Speaker Michael Romero, House Secretary General Dong Mendoza at Diwa Partlist Rep. Mike Aglipay, matapos direktang ma-exposed noon sa COVID positive na si TESDA Director Isidro Lapeña sa isang dinner event.
Bukod sa paglabag sa quarantine ay nilabag din ng mga House leaders ang guidelines ng DOH-IATF na nagtatakda na hanggang 10 katao lamang sa mga pagtitipon.