Ipinadedeklara ang lungsod ng Quezon bilang “Film and Television Arts Capital of the Philippines”.
Sa inihaing House Bill 457 Quezon City Rep. Arjo Atayde, iginiit nito na ang Quezon City ay ikinukunsiderang “Hollywood” ng Pilipinas dahil dito matatagpuan ang mga malalaking kompanya ng telebisyon at pelikula.
Bukod dito, ang University of the Philippines Film Institute (UPFI) na kilala rin sa ibang bansa bilang primyadong film school gayundin ang tanggapan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay matatagpuan din sa lungsod.
Sa ilalim ng panukala, isasama ng Department of Tourism (DOT) sa mga programa nito ang QC bilang Film and Television Arts Capital ng bansa.
Sa tulong din ng lokal na pamahalaan at mga kompanya ng pelikula at telebisyon, pinagagawan ng mga event ang DOT upang bigyang kulay at buhay ang film and television history at heritage ng bansa.