Quezon City LGU, magpapatawag ng water summit

Balak ng Quezon City LGU na magpatawag ng water summit sa harap ng epekto ng El NiƱo phenomenon.

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, irerekomenda niya kay City Mayor Herbert Bautista ang pagpapatawag ng water summit.

Aanyayahan sa summit ang lahat ng water service providers at mga stakeholders upang makabuo ng hakbang kaugnay ng water management.


Pangunahing apektado ng kawalan ng supply ng tubig ang Quezon City.

Umabot na sa 80 barangay ang nakararanas ngayon ng mula sa mahinang pressure hanggang sa walang tubig.

Facebook Comments