Quezon City LGU, magsasagawa ng contact tracing sa mga bisita ng isinarang bar sa lungsod

Hahanapin na ng Quezon City Task Force Disiplina ang lahat ng mga naging bisita at customer ng isang bar na ipinasara kamakalawa dahil sa paglabag sa health protocols.

Ayon kay TF Disiplina Head Rannie Loduvica, pinasusumite na nila sa may-ari ng Ciso’s Bar ang guest list upang maisagawa ang contact tracing sa mga ito.

Paliwanag pa ni Ludovico na sa naturang bar, umabot umano sa 160 katao kasama na ang mga online influencer ang naging customer.


Sa ilalim ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa Quezon City, bawal pa ring mag-operate ang mga bar.

Hindi isinasantabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang naturang pangyayari na maging super spreader event o mabilis na hawaan ng virus.

Facebook Comments