Quezon City LGU, tuloy-tuloy pa rin ang distribusyon ng tulong pinansiyal sa mga residente sa lungsod

64

Nagtakda na ng mga araw ang Quezon City government kung kailan ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong sa mga residente sa lungsod.

Marami pa kasing mga unclaimed payouts ng mga kuwalipikadong benepisyaryo para sa Quezon City Social Amelioration Program (SAP) ang hindi pa tapos maipamigay ng Local Government Unit (LGU).

Ngayong October 3, 2020 ang schedule sa District-2.

Susunod ang District-5 sa October 6 at 7; at District-6 sa October 8, 9, at 10, 2020.

Una nang tinapos ang pamimigay ng cash assistance sa District-3.

Facebook Comments