Quezon City Local Government, planong magrenta ng mga establisyimento upang gawing quarantine facility

Plano ng pamahalaang lungsod ng Quezon na magrenta ng mga bakanteng establisyimento na gagamitin bilang quarantine facility.

Ito’y sa harap ng inihahandang Community quarantine sa Quezon City dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hahanap sila ng mga bakanteng mga establisyimento na gagawan ng mga isolation room upang magamit bilang mga quarantine facilities.


Paliwanag ni Belmonte, sa ganitong paraan hindi kailangan pa manatili ng may sintomas ng COVID-19 sa kanilang bahay na maaari pang makahawa sa iba pang myembro ng bahay.

Samantala, inatasan rin ng Quezon City Local Government ang mga barangay na magtayo ng mga isolation facilities para sa may mga sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments