Quezon City Mayor Belmonte, pabor na luwagan ang quarantine restrictions

Pabor si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus pagkatapos ng Mayo 14.

Ayon kay Mayor Belmonte, kailangan umanong ibaba na ang quarantine restrictions para mabuksan na ang ilang negosyo sa Metro Manila.

Paliwanag ng alkalde na kailangan pa rin umano na higpitan ang pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng mga pampublikong lugar, establisyimento at mga opisina.


Katwiran ni Belmonte, bumababa na rin ang COVID-19 cases sa buong NCR Plus sa nakalipas na dalawang linggo mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Abril.

Dagdag pa ng alkalde na sa Quezon City, nasa 57% ang naibabang kaso ng COVID-19 habang tumaas na rin ang occupancy rate ng mga ospital.

Sa Mayo 14 matatapos ang kasalukuyang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa buong NCR Plus.

Facebook Comments