Hindi payag si Mayor Joy Belmonte sakaling igiit ang Metro Manila-wide lockdown dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Ayon Kay Belmonte, mas pabor siya sa mas pinaigting na paghihigpit sa mass gathering at sa operasyon ng mga establisyimento.
Aniya, hindi pa naman humahantong ang sitwasyon na nangangailangan ng pag-lockdown sa buong lungsod.
Hindi rin siya pabor na bumalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Quezon City dahil obsolete na ito at hindi nakatulong.
Maghihintay aniya sila sa desisyon ng national government kung anong pinahigpit na regulasyon ang ipapatupad.
Facebook Comments