Quezon City Mayor Joy Belmonte, hiniling na ipaalam sa kanila tuwing may operasyon kontra iligal na droga sa lungsod

Humiling si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipaalam sa kanila tuwing may magsasagawa ng operasyon sa lungsod.

Kasunod ito ng naganap na misencounter sa pagitan ng PNP at PDEA kung saan tinatayang nasa apat na indibidwal ang nasawi kabilang ang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang impormante.

Ayon kay Belmonte, nais din nilang malaman ang mga dapat na gawin sa mga pagkakataon kung saan kabilang ang seguridad ng mga tao sa lungsod at ang traffic management.


Ani pa ni Belmonte, bagama’t batid nila na sensitibo ang mga impormasyon sa mga anti-drug operations pero kahit bulong lang sa kaniya ay magawa ng mga pulis at ng mga PDEA agents.

Facebook Comments