Idineklara ng National Museum of the Philippines ang Quezon Memorial Shrine bilang National Cultural Heritage.
Ito ang pinakamataas na pagkilalala na iginagawad ng gobyerno sa isang cultural property.
Ang Quezon City Memorial Circle na idinisenyo ni Architect Federico Ilustre ng noon ay Bureau of Public Works bilang equilateral triangular shrine.
Resulta naman ito ng sunod-sunod na deliberations ng panel of expert ng National Museum.
Ang shrine na itinuturing na significant landmark ng Quezon City ay mayroong 66-meter pylons.
Nakalagay sa pylon ang art decor statues ng tatlong anghel na may hawak na sampaguita.
Nagsisilbing museum ang base nito kung saan dito nakalagak ang mga personal na kagamitan, mga libro ng dating Pangulong Manuel Quezon.
May iba’t iba itong kwarto na nagpapakita ng mga impormasyon sa buhay ng dating pangulo.