Nilinaw ng Quezon City Government na mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod Quezon at buong Metro Manila.
Naglabas ng pahayag ang Local Government Unit (LGU) kasunod ng kumalat na ulat na inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MGCQ) ang Quezon City dahil sa paglalatag ng mga checkpoints sa mga daanan na papasok at palabas ng lungsod.
Ayon sa QC Government, ang mga inilagay na checkpoints ay bahagi lamang ng ipinatutupad na Protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) lalo nat tumataas ang kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Paliwanag ng LGU, anumang pagbabago sa sitwasyon ay nakadepende at nagmumula lamang sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Humihingi rin ng pang-unawa ang QC LGU at pinapayuhan ang publiko na manatiling sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng gobyerno.