Umabot sa 819 na indibidwal ang nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Quezon City noong nakaraang taon.
Ayon sa QC Government, 3% ito ng kabuuang 26,321 na indibidwal na sumailalim sa kanilang Voluntary HIV Counseling and Testing mula Enero hanggang December 2022.
Paliwanag ng LGU, ang may pinakamataas na bilang na kumpirmadong HIV positive ay nasa edad na 25-34 na umabot sa 420 (52%), 280 (35%) naman ay kabilang sa 15-24 taong gulang, 105 (12.9%) ay kabilang sa 35-49 taong gulang at 13 (1.6 %) ay nasa edad 50 pataas.
Sa 819 na confirmed case ng HIV sa QC, 709 o 87% rito ang nai-refer sa mga treatment hub o Link to Care at 627 o 77% ang sinimulan sa antiretroviral therapy.
Tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng QC LGU ng libreng HIV Testing, Conselling at Sexually Transmited Infection Consultation.