Patuloy ang naitalalang mataas na kaso ng COVID-19 sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Batay sa talaan ng OCTA, nanguna ang Quezon City na nakapagtala ng mataas na kaso na may 277, sumunod ang Makati City na may 161, habang pumangatlo ang Manila City na mayroong 155 na kaso.
Sinundan naman ito ng Taguig City na may 147, Parañaque City na may 123 at ang Pasig City na nakapagtala ng 106 na kaso.
Narito naman ang naitalang kaso ng ibang lungsod sa NCR:
- Mandaluyong – 87
- Las Piñas – 86
- Muntinlupa – 65
- Pasay – 52
- Marikina – 46
- Caloocan – 37
- Valenzuela – 28
- San Juan – 17
- Malabon – 5
- Pateros – 4
- Navotas – 3
Kaugnay nito, nakapagtala ang NCR ng kabuuang 1,399 na mga bagong kaso ng COVID-19.
Facebook Comments