Quezon City, napanatili ang apat na magkakasunod na linggong mababang kaso ng COVID-19 case ayon sa OCTA Research Group

Apat na magkakasunod na Linggo na napanatili ng Quezon City ang signipikanteng pagbaba sa COVID-19 cases sa lungsod.

Ayon sa OCTA Research, base sa data na galing sa Department of Health, naitala ang sumusunod na mababang COVID-19 cases.

438 ang COVID-19 cases noong August 8-14 at napababa sa 334 noong August 15 to 21, 2020.


Noong Aug. 22-28, naitala na ito sa 288.

At 250 noong Aug. 29 to Sept. 4 at bumaba pa ng 196 noong Sept. 5 to 11, 2020.

Napababa rin ang tinatawag na Reproduction Number o ang bilis ng hawahan mula 0.92 noong Aug. 31 to Sept. 6, 2020 patungong 0.79 noong nakaraang linggo.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, sa loob ng isang buwan ay naibaba sa 50% ang daily cases .

Gayunman, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na hindi pa rin dapat maging kampante.

Tuloy-tuloy pa rin dapat ang mga pag-iingat para tuluyan nang mapigil ang pagkalat ng virus sa pampublikong lugar, mga tahanan at sa trabaho.

Facebook Comments