Abalang-abala ngayon ang Quezon City PESO para sa paghahanda nila sa kanilang Job Fair Projects sa taong ito.
Partikular na pinagkakaabalahan nila ay ang pagbuo ng mga programa sa kanilang quarterly Job Fair kasama na ang kanilang mga Barangay Job Fair activities na posibleng masimulan sa pagpasok ng Summer season.
Magkagayunman, hindi ito nakakaapekto sa pang-araw-araw na aktibidad ng tanggapan. Patuloy sila sa pagtanggap ng mga request for Job Fair mula sa mga Private organizer. Sa katunayan, 2 Private Job Fair ang nakakasa ngayon at gaganapin sa mga mall sa January 23 at 24 at January 28 at 29.
Sa ngayon, puno naman ng mga graduates mula sa regular na Call Center training na isinasagawa ng Quezon City PESO.
Ayon kay, Ms. Djoahanna Delia G. Ravelo, Quezon City PESO Especial Program Section head, may kabuuang 600 mga Call Center training graduate mula sa kanilang tanggapan ang hinahanapan nila ng tamang B.P.O. na kanilang papasukan upang magamit nila ang kanilang mga pinag-aralan sa training.
Paliwanag ni Ravelo, tumatagal ang training na ito ng hanggang 160 oras o katumbas ng 20 araw.
Aniya hindi pa man natatapos ang 20 araw, dinadalaw na ng mga Accredited B.P.O. ang Quezon City PESO sa kanilang training, kung saan, may masuwerte namang natatanggap agad sa trabaho.
Free tuition at may allowance pa ang training na ito. Pwedeng mag-apply sino mang residente ng lungsod at rehistradong botante ng Quezon City.
Sa mga mag-a-apply sa Special Program na ito ng Quezon City PESO, magdala ng mga katibayan ng mga una nang nabanggit, kalakip ang inyong voter’s ID, Birth Certificate, School Credentials at dapat ang aplikante ay nakapagtapos, kahit High School lang.
Bukod sa mga Call center training graduates na ito, pasok din ang mga walk-In applicants. (DZXL RadyoMaN Ronnie Ramos)
Sa mga nais magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
o mag text sa radyo trabaho textline: 0967 372 9014
Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!
#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS