Bagamat isinara na ang Fort Santiago, Luneta at Paco Park sa Lungsod ng Maynila, nanatiling bukas ang Quezon Memorial Circle.
Pero, kapansin-pansin na kakaunti ang mga pumapasok sa parkeng himlayan.
Dahil dito, dismayado ang mga vendors dahil humina ang benta ng kanilang paninda.
Inanunsyo naman ng mga namamahala ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife na isasara ang parke sa Lunes hanggang April 12.
Pero, bubuksan din tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Bukas ang parke ngayong araw, pero walang namamasyal.
Tiniyak naman ng mga nangangasiwa sa parke, sakaling dumagsa ang tao tuwing Sabado at Linggo, mayroon na silang nakahandang facemasks, gloves, sanitizer at thermal scanner.
Facebook Comments