Asahan na ang pagpapanibagong bihis ng Quezon Memorial Circle (QMC).
Ayon sa Quezon City local government unit (LGU), kabilang sa gagawing re-development ay ang maibalik ang mga green spaces sa lungsod.
Batay sa master redevelopment plan ng QMC, nasa pitumpung porsyento ang nakalaan para sa major green areas tulad ng picnic grounds, children’s playground, garden at mga lugar para sa urban farming.
Kabilang pa sa mga salient features ng re-development ang paglalagay ng skate trail, basketball, volleyball, tennis court at cultural amphiteater.
Ikinonsidera rin sa plano ang konstruksyon ng MRT-7 station sa loob mismo ng parke.
Para sa lokal na pamahalaan, ang pagsasailalim sa re-development ng QMC ay para sa susunod na henerasyon na magkaroon ng lugar para sa sports at recreational activities.