Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang lalawigan ng Quezon alas-4:52 Huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Jomalig.
May lalim ang pagyanig na 7 kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon
Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City
Intensity I- Muntinlupa City
Instrumental intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez at Mulanay, Quezon
Intensity II – Marikina City; Malolos City; Gumaca at Dolores, Quezon; Baler, Aurora
Intensity I – Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga; Talisay, Batangas; Palayan City
Samantala, marami ang nakaramdam ng pagyanig sa bahagi ng Makati, Pasay at Taguig.
Walang inaasahang pinsala sa ari-arian ngunit posible ang aftershocks ayon sa Phivolcs.