Dinagsa ng mga deboto ang Quiapo Church ngayong umaga kasabay ng unang Biyernes ng buwan.
Matapos na binaba na sa Alert Level 2 System ang National Capital Region (NCR), nasa 500 na indibidwal o katumbas ng 50% ang pinapayagan na makapasok at makapagsimba sa loob mg Quaipo Church.
50% rin ang pinapayagan sa labas kung saan pinapayagan rin na mapagsimba ang mga bata basta kasama ang mga magulang.
Habang nasa pila, kinakailangan pa rin sulatan ang mga contact tracing forms at ipakita ang mga vaccination cards.
Nagsimula ang unang misa ng alas-4 ng umaga at ngayon ay nasa ilalim na ng LRT Carriedo ang pila.
Nagtutulong-tulong naman ang mga tauhan ng barangay, Hijos Del Nazareno at Manila Police District (MPD) para maipatupad ng maayos ang health protocols kontra COVID-19.