Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at ang mga opisyal ng Quiapo Church na ipasara ang simbahan at isuspinde ang misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno sa January 9, 2021 kapag nilabag ng mga deboto ang ang quarantine protocol.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Debold Sinas, bagama’t kanselado ang ilang aktibidad para sa taong ito gaya ng Prusisyon ng Itim na Nazareno, tinututukan nila ang dagsa ng mga magsisimba sa mismong araw ng Traslacion.
Aniya, istrikto nilang ipinatutupad ang physical distancing sa loob at labas ng simbahan.
Sinabi naman ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, may mga gagawing localized mass sa ibang simbahan na simultaneous sa Quiapo Church sa araw ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ang mga nasabing simbahan ay ang San Sebastian Basilica, Sta. Cruz Church at ang Nazarene Catholic School Gymnasium.
Magsisimula ang misa ng alas-4:00 ng madaling araw.