Inilabas na ng pamunuan ng Quiapo Church ang schedule ng mga aktibidad para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ni Jesus Nazareno.
Batay sa anunsiyo ng Quiapo Church, magkakaroon ng Walk of Thanksgiving sa hatinggabi ng December 31 kung saan magtitipon ang mga sasama gabi pa lamang ng December 30.
Sa January 1-6, 2025 naman ang Barangay Visitation habang sa Huwebes, January 2, ang pagbabasbas sa mga replica at estandarte ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Pagsapit naman ng January 6, magkakaroon ng Mass for the Volunteers ganap na ika-6 ng gabi.
Habang kinabukasan, January 7 ang simula ng Pahalik na tatagal hanggang January 9.
Bago ang kapistahan, magkakaroon ng Band Parade alas-3 ng hapon ng January 8 at susundan ng Panalangin sa Takipsilim ng alas-5 ng hapon.
Samantala, pagsapit ng January 9 ay alas-12 ng hatinggabi gaganapin ang Misa Mayor at susundan ng pagpapatuloy ng vigil at programa.
Pagkatapos naman ng Panalangin sa Bukang-liwayway magsisimula ang Traslacion pabalik ng Quiapo Church.
Ngayong taon ibinalik ang Traslacion na dinaluhan ng 6.5 million na mga deboto.