Quiapo Church, pansamantalang isasara sa publiko simula ngayong araw

Pansamantalang isasarado sa publiko ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church simula ngayong araw hanggang Enero 6.

Sa anunsiyo ni Fr. Douglas badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, ito ay bunsod ng pagtaas ng mga naiitalang kaso ng COVID-19 at bilang paghahanda na rin para sa nalalapit na Traslacion 2022.

Dahil dito, hinikayat ni Fr. Badong ang mga deboto na huwag na munang ituloy ang pagpunta sana sa basilica sa mga nabanggit na petsa.


Samantala, magpapatuloy naman aniya ang mga misa nobenaryo para sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa pamamagitan ng online.

Facebook Comments