Friday, January 16, 2026

Quiboloy at Torre III, muling nagkaharap ngayon sa pagdinig sa Pasig RTC

Magkasunod na dumating kanina sa Pasig RTC sina Pastor Apollo Quiboloy at MMDA General Manager Nicolas Torre III.

Kaugnay ito ng pagpapatuloy ngayong araw ng pagdinig sa kasong qualified human trafficking ni Pastor Quiboloy.

Ipagpapatuloy din ngayong araw ang cross-examination ng depensa kay Torre.

Una nang tiniyak ng kampo ng prosekusyon at depensa kapwa sila handa sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw.

Iginiit din ng kampo ni Torre na pinatunayan nila sa pagdinig kahapon na inaresto si Quiboloy at hindi ito kusang sumuko sa ginawang raid ng mga otoridad sa property ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Facebook Comments