Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makakagamit ng social media o anumang gadget si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy para sa pangangampanya online.
Ito’y kasunod ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-senador sa eleksyon 2025.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, kinakailangan muna ng pahintulot ng korte sa anumang aktibidad ng isang indibidwal na nasa PNP Custodial Center.
Samantala, wala pang desisyon ang korte sa mosyon ng kampo ni Quiboloy kaugnay ng kanyang hospital arrest.
Ang pre-trial ng kanyang kasong qualified human trafficking ay nakatakda sa November 22 sa Pasig RTC Branch 159, kung saan inaasahan ang resolusyon ng korte.
Facebook Comments