Nasa maayos nang kondisyon si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy mula ng ibalik ito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center nitong nakaraang Sabado, November 16, 2024.
Ayon kay PNP Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, regular din ang ginagawang monitoring ng mga doktor kay Quiboloy kung saan simula nang maibalik ito sa selda ay nasa good physical condition naman ito.
Matatandaang si Quiboloy ay dinala nitong nakaraang Linggo sa Philippine Heart Center dahil sa irregular heart beat at paninikip umano ng dibdib.
Ilang araw ding namalagi sa ospital si Quiboloy matapos katigan ng Korte ang hirit ng kampo nitong medical furlough.
Facebook Comments