Quiboloy, naghain ng not guilty plea sa QC RTC

Nagpasok ng not guilty plea si Kingdom of Jesus Christ o KOJC Pastor Apollo Quiboloy sa hiwalay niyang kaso sa QC-RTC.

Ito ang inilabas na pahayag ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy.

Ito ay matapos na isalang na siya sa arraignment sa pamamagitan ng video conference sa sala ni Judge Noel Parrel sa QC RTC Branch 106.


Ito ay para sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Nagpasok ng not guilty plea si Quiboloy sa kasong child abuse at sexual abuse.

Kasama niyang binasahan ng sakdal ang lima pang akusado na sina:
Pauline Canada
Cresente Canada
Jackielyn Roy,
Ingrid Canada
Sylvia Cemañes

Sa September 26 at October 2 ang itinakdang sunod na hearing ng kaso ni Quiboloy.

Dumating din kanina si ‘Amanda’, na siyang nagsampa ng kasong child abuse at sexual laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Facebook Comments