Nakatakdang sumalang sa preliminary hearing si Kingdom of Jesus Christ Founder (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito sa Pasig (RTC) Branch 59 dahil sa kasong qualified human trafficking.
Ganap na alas-2 mamayang hapon itinakda ang pagdinig sa grupo ni Quiboloy na kauna-unahan mula nang mabasahan ito ng sakdal.
Gayunman, sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, sila lamang mga abogado ang pupunta physically sa korte habang dadalo si Quiboloy via video conference.
Sa ngayon, nanananatili sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Kampo Crame si Quiboloy dahil maituturing itong high risk security detainee habang nasa Pasig City Jail nakakulong ang mga kapwa akusado nito na sina Ingrid Canada, Paulene Canada, Jackielyn Roy at Sylvia Cemañes.