
Ikinasa ng Kamara ang disaster relief operations para sa mga distrito na nangangailangan ng tulong bunga ng pananalasa ng bagyong Crising at habagat.
Ayon sa tagapagsalita ng House of Representatives na si Atty. Princess Abante, ang naturang hakbang ay pinangunahan ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez katuwang ang Tingog Party-list.
Sa pagkaka-alam ni Abante ay mayroon ng nakikipag-ugnayan na mga kongresistang nangangailangan ng tulong sa Palawan at ang iba ay sa National Capital Region (NCR).
Binanggit ni Abante na nagsasagawa na rin ng koordinasyon ang tanggapan ni Romualdez sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makahingi ng relief goods at iba pang tulong para sa mga biktima ng kalamidad.
Facebook Comments









