Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pupunuin ang Quick Response Funds (QRF) nito.
Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng gabinete at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon kay Bautista, nagpapasalamat siya kay Budget Secretary Wendel Avisado para muling madagdagan ang QRF ng ahensya.
Sa kasalukuyan ang standby funds ng DSWD ay umaabot sa ₱226.1 million, kung saan ₱184.76 million ay nakalaan bilang QRF sa Centra Office habang ang natitira ay ipinamahagi na sa iba’t ibang field offices.
Facebook Comments