Quick substitution list, ginawa ng mga ospital at hindi LGUs – Palasyo

Nilinaw ng MalacaƱang na ang quick substitution list para sa vaccination program laban sa COVID-19 ay ginawa ng mga ospital.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang kinalaman ang mga Local Government Units (LGUs) sa paggawa ng quick substitution list.

Ang mga ospital ang may hawak ng listahan dahil sila ang nagsasagawa ng pagpapabakuna sa mga tao.


Muling iginiit ni Roque na mahalaga ang listahan para matiyak na walang masasayang na bakuna.

Gayumpaman, pinayuhan ng Palasyo si Interior Undersecretary Epimaco Densing na linawin ang listahan sa mga ospital.

Facebook Comments