QUIET PLEASE | Mga senador, pinatatahimik muna sa isyu ng impeachment ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Hindi naiwasan na mainis ni House Committee on Justice Reynaldo Umali sa ilang mga senador na nagkokomento patungkol sa impeachment proceeding ng Kamara laban kay SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dahil dito, pinatatahimik ni Umali ang mga senador sa pagkokomento at panghihimasok sa proseso ng impeachment.

Aniya, kawalang respeto ito sa Mababang Kapulungan dahil nasa Mababang Kapulungan pa ang reklamo.


Sinabi ni Umali na dapat hintayin ng mga senador na umakyat sa Senado ang impeachment complaint para sakop na ito ng kanilang kapangyarihan at poder.

Ipinaalala ni Umali sa mga senador na sa ilalim ng Saligang Batas may kaangyarihan silang dinggin ang impeachment na hiwalay sa kanilang tungkulin at proseso para sa lehislayon.

Hindi naman napigilan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magparinig at sinabing natutuwa siya na may mga senador na atat na atat sa impeachment ni Sereno pero dapat ay mag-relax muna ang mga ito.

Darating naman aniya sa Mataas na Kapulungan ang impeachment pero kung talagang lumabas na walang basehan ang reklamo ay hanggang dito na lamang sa Kamara ang impeachment.

Facebook Comments