Patuloy na lumalala sa mga opisina ang quiet quitting at quiet cracking — mga tahimik na anyo ng disengagement na nakakaapekto sa produktibidad at mental health ng mga empleyado, ayon sa isang psychologist.
Sa panayam ng IFM NEWS DAGUPAN kay Dr. Nhorly Domenden, founder at CEO ng Wundt Psychological Institute, ang quiet quitting ay paggawa lamang ng minimum sa trabaho dahil sa kawalan ng gana.
Samantalang ang quiet cracking ay mas malalim na emosyonal na pagkapagod kung saan nawawala na ang koneksyon at malasakit kahit nagtatrabaho pa.
Sanhi nito ang kakulangan sa suporta at komunikasyon mula sa mga lider, labis na trabaho, hindi malinaw na landas sa karera, at kakulangan sa pagkilala. Nagdudulot ito ng burnout, pagbaba ng morale, at paghina ng operasyon.
Solusyon umano ang bukas na komunikasyon, regular na pakikipag-check-in, at pagpapaigting ng kultura ng suporta at malasakit.
Babala ng mga eksperto: Pakinggan ang katahimikan sa opisina dahil ito ay maaaring senyales ng mga empleyadong unti-unting nauubos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









