Tatlong araw na pansamantalang isasara sa mga motorista ang Quirino Bridge itoy kasabay ng gagawing Dry Run simula bukas April 4-6.
Layun nito ay para malaman ang gagawing adjustment sakaling pasisimulan na ang rehabilitation ng tulay sa mga susunod na mga araw ayon pakay DPWH Maguindanao 1 District Engineer Nashrudin Ibrahim sa panayam ng DXMY RMN Cotabato.
Kaugnay nito tanging ang Delta Bridge lamang muna ang magiging daan ng mga vehicles na papasok at lalabas ng Cotabato City.
Sinasabing napapanahon na ang gagawing pag-aayos ng halos animnapung taong Quirino Bridge para na rin sa kaligtasan ng publiko dagdag pa ni DE Ibrahim.
May pundong 160 Million Pesos ang rehabilitation ng tulay at magiging pangunahing implementor nito ay mula sa tanggapan ni DPWH USEC Emil Sadain.
DPWH ARMM File Pic