Patuloy na dinadagsa ng mga deboto ang Quirino Grandstand mula pa lamang sa unang misa kanina para sa Pista ng Itim na Nazareno.
Ito ay bagama’t sa Lunes pa ang Kapistahan ng Quiapo o Feast of Black Nazarene.
Ngayong araw rin ang pagsisimula ng pagpupugay sa Itim na Nazareno.
Gayunman, pinapayagan lamang ang pagpunas o paghawak sa krus at paanan ng imahen.
Inalay naman ang ikalawang misa kanina sa Quirino Grandstand para sa uniformed personnel, volunteers, Local Government Units (LGUs), Non-Government Organizations (NGOs), at media.
Patuloy naman na naka-deploy sa paligid ng grandstand ang malaking bilang ng mga pulis gayundin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matiyak ang seguridad ng mga deboto.
Facebook Comments