Quirino Grandstand, unti-unti ng inaayos para sa ilang aktibibdad sa Nazareno 2023

Ihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Maynila at pamunuan ng Quiapo katuwang ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bahagi ng Quirino Grandstand para sa mga inilatag na aktibidad kaugnay sa Nazareno 2023.

Kaugnay nito, puspusan na ang ginagawang mga preparasyon at kinukumpleto na rin ang mga kakailangan sa naturang okasyon.

Unti-unti na rin itinatayo ang stage at mga barikada o mga harang gayundin ang mga tolda o tent para sa pagdagsa ng mga deboto.


Ang schedule naman para sa mga aktibidad sa Quirino Grandstand kaugnay sa Nazareno 2023 ay simula sa January 7 hanggang 9 kung saan wala munang magaganap na Pahalik bilang pag-iingat sa COVID-19 at sa halip ay pagpupugay ang gagawin dito.

Mula alas-12:01 ng hating gabi ng January 7 ay magsasagawa ng misa sa mga deboto at matapos nito ay sisimulan na ang pagpupugay.

Sa January 8, 2023 naman ng alas- 12:01 ng hating gabi ay may banal na misa kasunod ang gagawing Walk of Faith sa ala-1:30 ng madaling araw.

Pagsapit naman ng January 9, 2023 o ang mismong araw ng Pista ng Itim na Poong Nazareno, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang tinatawag na Misa Mayor sa ganap na alas-12:01 ng hating gabi.

Facebook Comments