Quirino Police Provincial Office, Idineklarang Drug-Free Workplace

Cauayan City, Isabela- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug-free workplace na ang Quirino Police Provincial Office (QPPO) ng Police Regional Office 2.

Iginawad ang seal of drug-free workplace sa Badminton Court ng Quirino PPO sa Aglipay, Quirino ngayong Lunes ng umaga, Nobyembre 8, 2021.

Ito’y dahil sa kawalan ng mga tauhan ng PNP Quirino na sangkot sa anumang uri ng aktibidad sa illegal na droga batay na rin sa assessment ng PDEA.


Pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng PRO2 ang lahat ng mga miyembro ng Quirino PPO sa ipinakitang disiplina at integridad bilang kasapi ng organisasyon ng PNP.

Patunay din aniya na ang pagiging drug-free ng buong QPPO ay patunay na umiiral ang Intensified Cleanliness Program ng PNP.

Samantala, sa parehong araw, ginawaran ng certificate of Commendation ang mga tauhan ng Maddela Police Station at Quirino Provincial Intelligence Unit dahil sa kanilang malaking accomplishment na pagkakahuli ng tatlong (3) High Value Targets na sina Evelyn Dela Cruz, Jestoni Gutierrez at Juanito Aggabao kung saan nakuha mula sa mga suspek ang Shabu na nagkakahalaga ng Php956, 678.00 sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Malapat, Cordon, Isabela.

Facebook Comments