QUIRINO PPO, NAKIISA SA SERBISYO CARAVAN PARA SA RCSP BARANGAYS

CAUAYAN CITY – Nakiisa ang Quirino Police Provincial Office upang mabigyan ng seguridad ang mga dumalo sa isinagawang “Serbisyo Caravan for RCSP Barangays” na ginanap sa Brgy. Villa Agullana, Maddela, Quirino.

Nagtulungan ang DILG at Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino para sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad katuwang ang iba’t-ibang ahensyang magbibigay ng serbisyo.

Nagkaroon ng medical and dental check-up, libreng gupit, Birth Registration, at National ID Registration.


Binigyan din ng libreng seedlings at groceries ang mga dumalo sa aktibidad.

Layunin ng Retooled Community Support Program (RCSP) na malabanan ang insurhensya sa pamamagitan ang pag-aabot ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

Facebook Comments