QUO WARRANTO | Associate Justice Samuel Martires, pinag-iinhibit ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Humiling sa korte suprema si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na mag-inhibit si Associate Justice Samuel Martires sa kinakaharap niyang quo warranto petition.

Si Martires ang ika-anim na mahistrado na nais ni Sereno pagbawalang makilahok sa quo warranto proceedings.

Ayon kay Sereno – hindi maaring sumali si Martires sa proceeding dahil sa pagkiling nito noong April 10 oral arguments ukol sa quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.


Binigyang diin pa ng punong mahistrado na bias si Martires matapos nitong sabihing senyales ng mental illness ang pagiging relihiyosa.

Nitong nakaraang buwan, ibinasura ang kaniyang hiling na mag-inhibit sina Associate Justices Teresita De Castro, Diosdao Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam sa quo warranto petition dahil sa kawalan ng merito.

Facebook Comments