Manila, Philippines – Sa Hunyo pa inaasahang maglalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa quo warranto case ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa source mula sa Supreme Court, magre-recess kasi ang Supreme Court En Banc ng isang buwan pagkatapos ng summer session nito.
Sa April 24, magtatapos ang summer session ng Kataas Taasang Hukuman na ginaganap sa Baguio City.
Kahapon, tinapos na ng Korte Suprema ang isang araw na oral arguments sa quo warranto case ni Sereno kung saan pinagsusumite ng memorandum ang dalawang panig sa April 20.
Kumpiyansa naman si Solicitor General Jose Calida na magtatagumpay sila sa nasabing petisyon laban kay Sereno.
Facebook Comments