Manila, Philippines – Hinikayat ng Malacañang ang lahat na igalang at tanggapin na lamang ang pinal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa quo warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, batid nilang marami ang hindi sumasang-ayon sa desisyon korte.
Pero sa sistema aniya ng demokrasya, ang Korte Suprema ang pinal na arbiter sa lahat ng kontrobersyang ligal.
Sa ngayon, magsisimula na ang 90 araw na proseso ng Judicial and Bar Council (JBC) para makasala ng mga isasama sa shortlist kung saan pipili si Pangulong Rodrigo Duterte ng ipapalit na punong mahistrado.
Facebook Comments