QUO WARRANTO CASE | PNP, walang nakikitang dahilan para magkaroon ng violent protest sa pagkakatanggal ni CJ Sereno sa SC

Manila, Philippines – Walang nakikitang rason ang pamunuan ng Philippine National Police para magkaroon ng violent protest.

Matapos na paboran ng Supreme Court En Banc ang quo warranto petition na pagtatanggal kay Maria Lourdes Cereno bilang Chief Justice ng Supreme Court.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi na nila aasahang dadami pa ang mga raliyista sa paligid ng gusali ng Supreme Court kaya malabo na rin magkagulo.


Magkagayunpaman nakahanda ang kanilang hanay sakaling maging magulo ang mga kilos protesta sa palibot ng gusali ng Supreme Court.

Mahigpit rin ang paalala ni Albayalde sa mga pulis na humaharap sa mga raliyista na pairalin ang maximum tolerance.

Facebook Comments