QUO WARRANTO CASE | Solicitor General Jose Calida, pinagbibitiw ng isang grupo

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ng Coalition for Justice (CFJ) si Solicitor General Jose Calida dahil sa pagtanggi nito na maghain ng quo warranto case laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo De-Castro.

Ginawa ng grupo ang pahayag matapos ibasura ni Calida ang hiling ni Jocelyn Marie Acosta na sampahan din ng quo warranto case si De Castro sa SC.

Giit ni Acosta, si De Castro rin ay hindi nakapagsumite ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2012.


Ayon sa CFJ, nagiging ‘double standard’ ang trabaho ni Calida kung saan pinoprotektahan ang mga kaibigan habang na inuusig ang mga kaaway.

Nanindigan ang CFJ na dapat kwestiyunin din ni Calida ang legalidad ng pagkakatalaga kay De Castro tulad ng ginagawa ngayon kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments