QUO WARRANTO | Korte Suprema, tatalakayin ngayong araw ang apela ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Nakatakdang talakayin ng Korte Suprema ngayong araw, June 5 ang mosyon na inihain ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na humihiling na baligtarin ang desisyon ng en banc na pumabor sa quo warranto petition na siyang nagpatalsik sa kanya bilang pinuno ng Hudikatura.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, bahagi ng full-court agenda ang mosyon ni Sereno.

Dalawa lang ang posibleng gawin ng SC, resolbahin ang mosyon o atasan si Solicitor General Jose Calida na siyang naghain ng quo warranto na magsumite ng komento sa mosyon ni Sereno.


Sa botong 8-6 mula sa 14 na SC Justices noong May 11, napatalsik si Sereno bilang chief justice dahil sa kabiguang sumunod sa requirements ng Judicial and Bar Council (JBC) na magsumite ng 10-year Statements of Assets, Liabilities and Networths (SALN).

Facebook Comments