Quo Warranto, maaaring ihain vs Mayor Guo – Comelec

Inihayag ng Commission on Elections na maaring maghain ng petition for Quo Warranto sa kontrobersiyal na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa gitna ito ng mga kwestiyunableng kwalipikasyon ng alkalde lalo na ang kaniyang citizenship batay sa mga nakalipas na pagdinig ng Senado.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa ngayon ay wala pang naghahain ng disqualification o petition para kanselahin ang kandidatura ng alkalde kahit nakaupo na ito sa pwesto.


Ito aniya ang kailangan para sa Petition for Quo Warranto na ihahain sa Regional Trial Court upang dinggin ang kaso.

Sa ngayon, maraming Pinoy ang nananawagan sa poll body na imbestigahan kung paano nakalusot si Guo gayong kwestiyunable ang kaniyang pagkakakilanlan at maging ang citizenship nito.

Facebook Comments